Martes, Enero 7, 2014

VOLLEYBALL TRAINING!



First day of practice namin ng volleyball for BULPRISA, lahat sila full gear and talagang determinado matuto. Bago ko ituloy, inform ko na kayo na all of them are first-timer when it comes to playing volleyball maliban kay Denver(Pinakamabait).

I'll admit it, sobrang nahirapan ako sa kanila kasi bukod sa makukulit, gustong gusto nila sila ung nasusunod pero siyempre hindi sakin uubra yung ganun, kaya pumasok sa isip ko na maging strict for the sake of their development. "Mahirap maglaro ng hindi magkakasundo, mas lalong mahirap kung wala din kayong tiwala sa mga kasamahan ninyo", Yan ung linya ko every training namin, minsan mahinahon ko nasasabi madalas pa-sigaw kasi ba naman sobrang init na, pagod ka pa tas mga hindi pa nakikinig, haha kapag naaalala ko ung mga araw na un natatawa nalang ako. Pero ang sarap talaga sa feeling nung nakikita mo sila na isa-isang nag-iimprove at nagkakasundo(minsan) ng dahil sayo kahit hirap ka na mapapawi eh.

Last week na ng training namin for BULPRISA, dumadayo kami to other schools for tune-up games and okay naman ung nagiging training and play namin. Nagpapasalamat nga po pala ako sa VICRIS School, kay Ma'am Mateo(Principal of that school) and kay Sir John(their coach) for helping us(Our Team), Oh! muntik ko na makalimutan si Sir Omar(Trainor of Marian College) and Sir VInas(Owner of MC) Thank you din po ng marami. Back to Business,(hehe) Papalapit na ang BULPRISA at nakikita ko sa kanila na medyo kabado(siyempre naman first time nila eh.) pero lagi silang masaya, after training nagkakakwentuhan kami and nagkakaasaran about sa mga makakalaban nila although alam nila na malalakas ung makakalaban nila dinadaan nalang nila sa asaran(that's their way para maalis ung kaba na nadarama nila). Last day of our practice, hindi ko na sila masyado pinaglaro, kung makikita nyo naman sa video na in-attach ko kahit gustong-gusto nila maglaro hindi naman pwede at umulan kaya nung tumila na ung ulan tinatanggal namin ung mga tubig na nasa court para kahit papano makapaglaro nandun na maggasuhan, magbasaan, maghagisan ng bola(ung pambata lang naman haha), that day narealize ko na sobrang swerte ko na naging part ako ng buhay nang mga bata na to yung tipong kahit gaano kahirap ung ginagawa namin may mga paraan sila para maging masaya(kitang-kita naman na sobrang enjoy sila).

BULPRISA DAY! sobrang aga pumasok ng mga players at si Emman(the double spiker) ng pinasuot ko ung shorts eh baligtad pa hahaha(excited ata). 1st day ng BULPRISA hindi ko makakalimutan kasi ba naman magkahiwalay ang venue ng boys and girls kaya di ko sila makikitang maglaro kailangan isa lang muna samahan ko, pinili ko boys ng day 1 sobrang haggard, stress, panghihinayang ng feeling namin that time kasi first game namin alam nila at lalo na ako na kaya nilang manalo pero hindi kami pinalad same with the girls, okay lang naman sakin pati sa kanila kasi close game naman lahat ng games nila di sila nagpatambak un nga lang hindi nanalo, but it's okay.

After ng games nila kitang-kita ko sa kanila na gusto nila bumawi ung boys lalo ng ung girls(ung mga graduating, kasi last year na nila) Shiella, Paula, Darlene at Joanna, Sa part ko siyempre ang hirap lalo na kapag nakikita mo na nanghihinayang sila minsan sinisisi ung sarili ang sinasabi "sana ganito ginawa ko", "sana naipasok ko ung", "Sir, galit ka po ba?" Yan! puro ganyan ang naririnig ko kaya ang sinasabi ko sa kanila "Guys, always remember na hindi dito natatapos ang lahat actually ito palang ang first step natin kasi ung iba makakabawi pa next year and ung mga graduating makakapaglaro pa sila kapag nag-college sila".

"Learn from your experience", "Experience is your best teacher" ilan lang yan sa mga salita na gusto ko ipakita sa kanila na ung tipong hindi mo makakamit ang isang bagay na hindi ka nahihirapan kasi you should work for it. Kahit naman ako maraming failures na napagdaanan pero i'm still here, and still kicking wag mo susukuan ang isang bagay na alam mo kaya mo abutin. :)

Guys(to my players), Thank you! bakit? kasi sobrang dami ko natutunan sa inyo, Yes! I'all admit it di po ako showy(eto na nga gumawa na ko ng blog para sa inyo) pero alam nyo na sobrang proud ako sa inyo kahit lagi ko kayo nasisigawan, pinapahirapan, dinidisiplina andun pa rin ung paggalang nyo at dahil dyan Love you guys. Sa panibagong chapter ng career nyo always remember ung mga tinuro ko ah. :) Un lang.

BOYS:

Denver(pinaka-mabait), Dexter(humble to eh :)), Joshua P.(chickboy), Dave(hindi magaso), Henry(chickboy), Emman(double spiker), Carl Vince(man with a few words), Rivera(girl slayer), Lester(acrobat), Gian(parang hangin lang, di ko nararamdaman haha), and Dan(fast learner)

Girls:
Shiella(cool headed person, haha), Joanna(ays lang haha), Pau(hindi nagrereklamo), Darlene(the absent girl), Zayin(slayer), Aerene(fast learner), Jasmin(wala ako masabi sa kanya..), Hilarie(muse ng bayan), Aeshley(the cellphone girl), Shane(magaling magservice to ng nakatalikod haha), and Arleth(the model)

 

2 komento:

  1. Thanks a lot for sharing us about this update. Hope you will not get tired on making posts as informative as this. ace set

    TumugonBurahin